Skip to Main Content
  1. Home
  2. CDII Translation Page
  3. CDII Translation Page - Mga Tagalog

CDII Translation Page – Mga Tagalog

Maligayang Pagbisita sa website ng Center for Data Insights and Innovation (CDII) ng California Health and Human Services Agency (CalHHS). Bilang bahagi ng aming mga pagsusumikap sa pag-access ng wika, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

Ang Google™ Translate ay isang libreng ikatlong partidong serbisyo, na hindi kontrolado ng Estado ng California. Hindi magagarantiya ng Estado ng California ang pagkatumpak ng anumang pagsasaling ipinagkakaloob ng Google™ Translate at kaya, hindi mananagot sa anumang hindi tumpak na impormasyon o mga pagbabago sa pag-format ng mga pahina na nagreresulta sa paggamit ng application tool para sa pagsasalin.

Ang mga web page na kasalukuyang nasa Ingles sa website na ito ay ang mga opisyal at tumpak na pinagmumulan. Ang anumang mga hindi pagkakatulad o pagkakaibang nilikha sa pagsasalin ay hindi mandatoryo at walang legal na epekto para sa mga layunin ng pagsunod o pagpapatupad.

Access sa Wika

Kapag nakikipagtulungan sa Center for Data Insights and Innovation (Sentro para sa mga Pananaw at Inobasyon sa mga Datos), nagkakaloob ang CDII ng mga libreng serbisyo sa wika sa mga indibidwal na ang pangunahing wika ay hindi Ingles, tulad ng: mga kuwalipikadong interpreter at impormasyong nakasulat sa iba pang mga wika. Upang hilingin ang mga serbisyong ito, makipag-ugnayan sa CDII sa CDII@chhs.ca.gov.

Ang Ginagawa Namin

Ang CalHHS Center for Data Insights and Innovation (CDII) ay nagkakaloob ng imprastruktura para sa pagbabahagi ng mga datos na tumutulong sa mga taga-California na i-access, gamitin, at maunawaan ang mga datos mula sa ng California Health and Human Services Agency (CalHHS, Ahensya ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng California). Nakikipagtulungan ang CDII sa mga ahensya ng estado ng California at mga tagalabas na katuwang upang bumuo ng mga produkto at serbisyo upang mapabuti ang pagbabahagi at pagsusuri ng mga datos habang tinitiyak ang pagsunod sa Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA, Batas sa Pagkakaroon ng Segurong Pangkalusugan at Pananagutan).

Pinangangasiwaan ng CDII ang trabahong isinasagawa ng Data Exchange Framework (DxF, Balangkas sa Palitan ng mga Datos). Ang Data Exchange Framework ay nakikipagtulungan upang isulong ang ekidad sa kalusugan at itaguyod ang ligtas, epektibo, at sa real-time na pagbabahagi ng impormasyon sa serbisyong pangkalusugan at panlipinan sa mga provider ng mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan ng California para sa mas malusog na California para sa lahat.

Nire-rate ng California Health Care Quality Report Cards ang mga planong pangkalusugan at medikal na grupo batay sa kalidad ng medikal na pangangalaga at karanasan ng pasyente. Ang website na ito ay nagkakaloob ng impormasyon upang tulungan ang mga konsumidor na paghambingin ang kalidad ng mga planong pangkalusugan at mga medikal na grupo, matutunan ang tungkol sa mga reklamo ng konsumidor sa pangangalagang pangkalusugan, at tukuyin ang mga karapan ng pasyente at mga mapagkukunang tumutulong sa konsumidor.

Ang Committee for the Protection of Human Subjects (CPHS, Komite para sa Proteksyon ng mga Indibidwal na Ginagamit sa Pananaliksik) ay nagsisilbi nilang institusyonal na lupon ng pagrerepaso (IRB) para sa CalHHS. Tungkulin ng CPHS (at iba pang mga IRB) na tiyakin na ang pananaliksik na kinapapalooban ng paggamit sa tao ay isasagawa sa etikal na paraan na may maliit na panganib sa mga kalahok.

Makipag-ugnayan sa CDII sa CDII@chhs.ca.gov o tumawag sa (916) 538-5910 o (916) 654-3454.